RAINSONG ; IMAGO

Posted on August 13, 2006 by maldz13.
Categories: Music.

1 Kuhl yabadinap kuhwes titsikuhmehn

Aah.. aah.. aah..

Kuhl yabadinap kuhwes titsikuhmehn

Aah.. aah.. tsikuhmehn aah..

2 Yariksaiks x4 tsikuhmehn

Aah.. Tsikuhmehn aah.. (repeat)

3 Kuhl nibairiiyeh.. mah.. x3

kuhl nibairiiyeh maah-ha…

Repeat 1

          2

          3 except last word…

maah-ha, ah rah, ah rah, ah rah, rah, rah, rah, rah, rah, rah, rah

rah, noh ooh.. nibairiiyeh, ah rah ha, ah rah ha, ah rah ha, ah rah ha,

no ooh, no ooh, nibairiiyeh, no ohh no ,no ohh no, no ohh no, no ohh..

i dunno if this correct.. pinakinggan q.. pero sounds like naman.

if u have the original lyrics [not the translation one] pls give me some copies.. message me tnx! GB.

-maldz13

Posted on August 11, 2006 by maldz13.
Categories: Uncategorized.

Daddy,

Ipagpaumanhin nyo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo
para ipaalam na akoy
aalis na sa inyong poder.
Ako’y sasama na sa aking bagong boyfriend na si
Mark dahil gusto kong
takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark
and tunay na pagmamahal
at napakabait nya sa akin, napaka malambing nya
hindi tulad ng iba kong
naging boyfriend. Alam ko na pag nakilala nyo sya ay
magugustuhan nyo din
siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa
lahat ng parte ng
kanyang katawan at ang pang motorsiklo nyang damit.

Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal
na mahal, eto ay dahil
sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto nyang
magkaanak sya sa akin para
lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na
matanda sya sa akin (42 na
sya Dad, di pa naman matanda sa ngayon and edad nya
diba?) kahit na wala
syang pera, di naman eto hadlang sa aming relasyon,
hindi ba Dad? Syanga
pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din
syang trailer na truck
na kung saan doon kami magsasama, pinakang bahay na
namin ang trailer, at
marami na rin syang stock na panggatong para magamit
namin sa buong buwan
ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang
girlfriend pero alam ko na
magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling
pamamaraan, sa katunayan
gusto nyang marami kaming anak at eto ang isa sa
aking ambisyon. Tinuruan
na nga pala nya akong humithit ng marijuana at
masarap ang pakiramdam, sa
katunayan nagtanim na sya para ipagpalit sa aming
mga kaibigan ng shabu,
ecstasy na gusto namin.

Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa
AIDS para gumaling na
si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!!
Huwag kang mag alala Dad 15
years old na ako at alam ko na kung paano
pangalagaan ang aking sarili.
Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang
araw bibisita kami sa
inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo.

Nagmamahal mong anak,

Irene

PS: Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito
lang ako sa
kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami
pang dapat ikatakot sa
buhay kesa aking report card na nasa drawer.
Pakipirmahan na lang po at
tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.

I love you

Sino Malibog???!!

Posted on August 9, 2006 by maldz13.
Categories: Uncategorized.

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coño. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Credit for PEYUPS.COM tnx poh ng marami! mabuhey!

Thesis Suck!

Posted on by maldz13.
Categories: Uncategorized.

How i wish na individual nalang ang thesis kesa naman mag hintay ka ng tulong or effort galing sa mga ka-member mo?! Oo na, Leader aq pero sino bang may gusto?? someone push me to this and i really hate it!! Arrrrrhhhggg!!!!

And now? may nagawa ngang topic.. e nasan naman ung may kakilala sa hinayupak na hospital na un?? sana nlng di na nag-suggest db?! paksyet! problemado q ngaion… waaaaaaaaaaaaaahhh!!

hmmm?? balak qong mag palit ng topic e… ehehehehe! bahala na si bakla kung magagalit xa or hinde ang importante makagawa aq and makapasa sa oral exam.. whuhooo!

mga demonyo talaga! asar!!!